Ganyan ang pakiramdam ko nang kumuha ako ng exam sa subject naming Creative Writing.
Kailangan naming sumulat ng isang sanaysay ngunit limitado lamang ang mga salita. May mga tanong lang na kailangang sagutin at dito lamang dapat umikot ang iyong akda. Umabot lamang yata sa pitong tanong ang mga ito.
Restricted writing ang tawag dito.
Narito ang aking akda na isinalin ko na sa Filipino.
*****
Ang buhay ay tila panahong pabagu-bago. Kailangan mong makipagsabayan kung hindi’y mapaglulumaan ka ng panahon. Wari’y isa kang puno sa gitna ng parang na matamang naghihintay lamang sa muling pag-ihip ng malamig na hangin o di kaya’y pagdampi ng mainit na bulong nito.
Ganito ang buhay – pabagu-bago.
*****
Isa lamang ang napatunayan ko sa pagsasalin ng aking likha sa Filipino mula sa wikang Ingles. Nakakadugo pala ng ilong! Whew!
Ikaw, ano ang buhay para sa iyo?
panahon ay lilipas din
ReplyDeletePlaygroup Singapore