Tuesday, February 14, 2012

Happy Puso Day!

Paano ba nagdiriwang ng Araw ng mga Puso ang mga Pinoy?

Romantiko daw ang mga Pinoy. At makikita ito't mararamdaman araw-araw lalo na sa Araw ng mga Puso. Tila kasingkahulugan ng araw na ito ang mga pulang rosas, tsokolate, regalo, dates (dinner, movie, concert, church at kung anu-ano pa). 

Gaano katotoo? 

Subukan mong maging mapagmasid ngayong araw. Subukan mong bilangin ang makakasalubong mong mga lalaki na may dalang isang bumbon ng bulaklak na ibibigay sa minamahal. Bilangin mo rin ang mga babaeng kinikilig habang pasimpleng sinasamyo ang yakap-yakap na mga bulaklak. Isama mo pa ang bitbit na mga nakabalot na regalo.

Idamay mo na rin sa pagmamasid ang dami ng mga taong nagsisiksikan sa mga restaurant at fastfood. Gayundin ang mahabang pila sa sinehan. Idagdag mo pa ang kabi-kabilang concert na sadyang itinapat sa araw na ito. Huwag na rin nating kalimutan ang mga Valentine's party kung saan-saan.

Kung marami kang makikita sa mga ito, tunay ngang malalambing ang mga Pinoy. At malamang na isa ka rin sa mga romantikong ito.

Saturday, January 28, 2012

Dear Diary

Nagkaroon ka na ba ng isang karanasan na akala mo ay hindi maaaring mangyari?

Hindi lahat ng mambabasa ay nabibigyan ng pagkakataon na makilala ang idolo nilang manunulat. Kung kaya’t maswerte ako ngayong araw dahil sa pambihirang pagkakataong ito.

Itinuturing ko na aksidente ang pagtatagpo naming iyon. At dahil hindi naman araw-araw ang ganitong pagtatagpo, sinamantala ko na ito sa pamamagitan ng pagtatanong sa kaniya ng mga tanong na kay tagal nang palaisipan sa akin.

Narito ang ilang bahagi ng aming kuwentuhan pag-uusap…

Ako: Naging mabenta ang lahat ng sinulat mong libro. Ngunit hanggang ngayon ay isang malaking misteryo ang iyong pagkatao. Bakit ba tila nagtatago ka? Ayaw mo bang makilala ka ng iyong mga tagahanga? O natatakot ka lang dumugin? Ah, alam ko na! Tinatamad kang pumirma nang paulit-ulit sa mga libro na koleksiyon ng iyong mga tagahanga, tama ba?

Siya: (ngumisi) Parang ganoon na nga.

Wednesday, January 18, 2012

Tagumpay sa Kabiguan

Naranasan mo na bang matuwa at malungkot nang sabay?

Hindi kabaliwan ang tinutukoy ko. Ito ‘yung may bagay na nakakapagpaligaya sa iyo ngunit nakakalungkot din habang ginagawa mo ito. Magulo ba? (May kinalaman din dito ang post ko noong nakaraan.)

Sa klase, pinagsulat na naman kami (bagay ng gustung-gusto kong ginagawa) ngunit limitado na naman (bagay na nakakalungkot).

Narito ang aking akda na isinalin ko ulit sa nakakadugo ng ilong na mga salita.

*****
Kasabay ng pagsisimula ng pag-ikot ng kamera, dinala ako ng mga alaala pabalik sa ilang buwan na ring nakalipas.

“Kuya, paano mo ilalarawan ang nakalipas na eleksiyon?”

Tuesday, January 17, 2012

Isyu ng Moralidad

Is it morally right for a teacher to have a relationship with one of his/her students?


Ito ang tanong na bumuhay sa aming katawang lupa kamakailan lang. Bilang mga future teachers, nahulog kami sa bangin ng malalim na pag-iisip.

Kanya-kanya ng opinyon syempre. Ganyan ang Pinoy eh. Hindi papayag na hindi marinig ang sariling panig.

Yes or No?

Sa una kong pagsagot, pumanig ako sa NO. Katwiran ko, bilang guro ay kailangan mong maging mabuting ehemplo sa pamayanan. At paano ka magiging mabuting halimbawa kung magkakaroon ng relasyon na sa tingin ng mga tao sa paligid mo ay imoral?

Pero bumalimbing napaisip rin ako. Ano nga ba ang pamantayan ng moralidad? Kaninong pamantayan ba ang dapat masunod? Ang mali para sa akin ay maaaring tama para sa ilan. At ang tama para sa akin ay maaaring mali para sa karamihan. Kaninong paningin ng tama at mali ang dapat masunod?


Panahon ng Buhay

Nasubukan mo na bang gumawa ng isang bagay na gustung-gusto mong gawin pero may pumipigil sa iyo?

Ganyan ang pakiramdam ko nang kumuha ako ng exam sa subject naming Creative Writing.

Kailangan naming sumulat ng isang sanaysay ngunit limitado lamang ang mga salita. May mga tanong lang na kailangang sagutin at dito lamang dapat umikot ang iyong akda. Umabot lamang yata sa pitong tanong ang mga ito.

Restricted writing ang tawag dito.

Narito ang aking akda na isinalin ko na sa Filipino.

*****

Ang buhay ay tila panahong pabagu-bago. Kailangan mong makipagsabayan kung hindi’y mapaglulumaan ka ng panahon. Wari’y isa kang puno sa gitna ng parang na matamang naghihintay lamang sa muling pag-ihip ng malamig na hangin o di kaya’y pagdampi ng mainit na bulong nito.

Saturday, January 14, 2012

TGIS

Thank God it's Sabado!

Hindi ang pamagat ng youth-oriented TV show na pinagbidahan nina Angelu de Leon at Bobby Andrews sa GMA-7 dati ang tinutukoy ko.

Thank God it’s Sabado! Iyan ang bukambibig ko tuwing araw ng Sabado.

Marahil ay ito ang araw na pinakapaborito ko sa buong linggo.

Bakit? Sa araw na ito lang kasi nagagawa ang gusto ko nang walang pumipigil sa akin – ang matulog nang matulog nang matulog.

Sabagay, pwede rin naman akong matulog nang matulog kahit anong araw. Wala namang pumipigil eh. Kaya lang ay maraming mahahalagang bagay na mas dapat unahin gaya ng pagbababad sa Facebook pagre-review para sa mga lessons, reports, recitation, quizzes at exam.

Sabi nga ng isang lumang joke, mas maganda pa rin daw na walang tulog kaysa naman sa walang gising. Kaya ayos lang na todo sa pagpupuyat kapag kinakailangan. Katwiran ko pa nga, di naman na ako paslit para kumpletuhin ang walong oras na tulog sa magdamag. Hirit pa ng isang corny na joke, mas mahaba na ang panahon sa pagtulog kapag patay na tayo.

Friday, January 13, 2012

ABNKKBSNPLTLGAko!

What particular book has made the greatest impact in your life?

Patay! Iyan ang reaksiyon ko nang mabasa ko ang tanong na ‘yan dati. Iyan ang isa sa mga tanong ng titser ko sa isang English subject dati. At naging isang malaking palaisipan kung paano ko ito masasagot.

Hindi ako mahilig magbasa ng mga libro. Ewan ko ba kung bakit. Hindi naman sa hindi ako mahilig magbasa. Ayoko lang talaga ng mga makakapal na librong tila kakain ng ilang buwan bago ko matapos basahin.

Mahilig naman akong magbasa ng diyaryo, text, blog, at kung anu-ano pa. Dati nga, kahit pinambalot na ng tinapa, pinagtitiyagaan ko pa ring basahin. Hindi ko alam kung anong nangyari at hindi ako nahilig sa mga pang-genius na mga libro.

Muntik ko nang maisipang mag-imbento ng isasagot. Buti na lang bumulong ang katabi ko na tila nahulaan ang iniisip ko.

“Dude, mahilig ka naman kay Bob Ong. Hindi ba books ang mga sinusulat nya?”

Thursday, January 12, 2012

Information Overload

Naranasan mo na bang halos maduwal sa sobrang kabusugan?

Ganyan ang naranasan ko nitong mga nakaraang araw, pero hindi dahil sa pagkain kundi sa mga bagay na kailangang i-memorize. Ayos lang sana ‘yung mga terminologies pero kapag sinamahan pa ng sangkatutak na pangalan, patay!

Kapag panahon ng exam, normal na sa aming magkakaklase ang tila siraulong bulong nang bulong. Kung pagmamasdan mo nga, parang nag-oorasyon lang. Kanya-kanyang bulong, kanya-kanyang istilo ng pagre-review.

At pagkatapos ng exam, iba’t iba ang kadalasang reaksiyon.

Ang ilan ang ‘cool’ lang. Sila ‘yung mga dinibdib ang pagre-review at kinain ang mga reviewers at books. Halimaw, kumbaga.

Ang iba naman ay iiling-iling habang binubuklat ang mga reviewers para alamin kung alin ang mga nalimutan. Sila ‘yung mga halimaw na nagkulang ng konti sa pagkakahalimhim.

Ang iba ay desperado at iniisip kung papasa ba sila o lalagapak.

Ang ilan ay dedma lang, walang pakialam. Bakit? Wala rin naman silang pakialam kung bagsak o pasado sa subject na iyon.

Sunday, January 8, 2012

Ang Facebook at ang Pinoy

Gaano ba tayo kaadik sa Facebook?

Ayon sa inilabas na report ng website na 24/7 Wall St. noong nakaraang taon, 9 out of 10 Filipinos ay may Facebook account. 

Kung dati’y binansagan ang Pilipinas bilang “texting capital of the world,” ngayon nama’y maaari na raw tayong bigyan ng titulo bilang “social networking capital of the world.”

Ikaw, ilan na ba ang Facebook friends mo?

Sa huling silip ko sa aking account ay mayroon ng mahigit dalawang libo sa friends list ko. Napaisip nga ako eh. Marahil ay hindi ko na talaga kilala ang karamihan sa kanila. At ito ay hindi dahil sa nakalimutan ko na sila kundi dahil hindi ko naman talaga sila kilala noon pa man.

Noong una, hindi ako basta-basta pumipindot sa “accept friend request” button kung hindi ko naman talaga kilala ang nagpapa-add. Pero kalaunan, napilitan wala rin akong nagawa kundi tumanggap nang tumanggap lalo na’t may mga mutual friends naman kami. (Nagsimula ito noong maging student leader ako, ayoko naman syempreng masabihan akong suplado kaya add lang nang add basta’t schoolmate ko.)

Monday, January 2, 2012

Media Noche

Anong handa n'yo nooong isang gabi?

Sa handaang Pinoy, karaniwan na dito ang litson, chicken joy fried chicken, spaghetti, sopas, pansit, palabok, menudo, kaldereta, kare-kare, barbeque, hamon, leche flan, ice cream, buko/fruit salad, gelatin, at kung anu-ano pa. Subukan mo mag-check ng attendance nila tuwing Pasko at Bagong Taon at siguradong present ang karamihan sa kanila. Kapag sinuwerte ka pa, perfect attendance pa. Siguradong busog bundat ka!

Ganyan ang na-experience ko noong Pasko at Bagong Taon. Nabusog ako sa napakaraming pagkain. Pero hindi sa sariling bahay namin kundi sa mga bahay ng kamag-anak. Hindi kasi kami naghanda kung kaya't nagmistulang miyembro ako ng Sugod Bahay Gang ng isang sikat na noontime show. Sugod kung sugod. 

Sunday, January 1, 2012

New Year's Resolution

Nakagawa ka na ba ng New Year’s resolution?

Kung nag-aral ka sa isang pampublikong paaralan, malamang ay “oo” ang sagot mo sa tanong na ito. Tradisyon na yata ito tuwing sasapit ang unang araw ng klase sa buwan ng Enero. Noon ngang nasa elementarya pa lamang ako ay palaisipan sa akin kung talaga bang dapat na gumawa ako nito o kailangan ko lang gumawa dahil may hangover pa ang titser ko sa bakasyon at tinatamad pang magturo. Sabagay, karamihan lahat din naman ng estudyante ay siguradong tinatamad pang pumasok at magklase kaya mas ayos na rin ang mag-imbento magsulat nito.

Sa ilan nama’y tila naging panata na ang paggawa nito. Para bang awtomatik na tuwing sasapit ang unang araw ng taon ay dapat mayroon sila nito.

Sa mga nagpapanggap na hindi alam ang tinutukoy ko, ito ‘yung listahan ng mga bagay na hindi mo na gagawin at mga bagay na ipinapangako mong gagawin sa papasok na taon.

Hindi na ako mangangako, pramis!
Hindi na ako makikipagpustahan. Gusto mo, pustahan pa tayo?

New Year, New Blog!


Welcome to Bibong Pinoy!





Samahan n'yo kong salubungin ang bagong taon sa pamamagitan ng unang bagong blog!


Maligaya at mapagpalang bagong taon 
sa ating lahat!


Blogger Widgets