Kung nag-aral ka sa isang pampublikong paaralan, malamang ay
“oo” ang sagot mo sa tanong na ito. Tradisyon na yata ito tuwing sasapit ang
unang araw ng klase sa buwan ng Enero. Noon ngang nasa elementarya pa lamang
ako ay palaisipan sa akin kung talaga bang dapat na gumawa ako nito o kailangan ko lang gumawa dahil may hangover pa ang titser ko sa bakasyon at tinatamad pang magturo.
Sabagay, karamihan lahat din naman ng estudyante ay siguradong tinatamad pang
pumasok at magklase kaya mas ayos na rin ang mag-imbento magsulat nito.
Sa ilan nama’y tila naging panata na ang paggawa nito. Para
bang awtomatik na tuwing sasapit ang unang araw ng taon ay dapat mayroon sila
nito.
Sa mga nagpapanggap na hindi alam ang tinutukoy ko, ito
‘yung listahan ng mga bagay na hindi mo na gagawin at mga bagay na ipinapangako
mong gagawin sa papasok na taon.
Hindi na ako mangangako, pramis!
Hindi na ako makikipagpustahan. Gusto mo, pustahan pa tayo?
Hindi na po ako magpapa-late sa klase.
Hindi na po ako magdadamot kay bunso.
Hindi na po ako magdadamot kay bunso.
Lagi na po akong maliligo.
Kanino at saan nga ba nagmula ang kalokohang tradiyong ito?
Sabi ni pareng Google, mga Babylonians daw ang pasimuno nito. At sinimulan nila ito may 4,000 taon na ang nakakaraan. Bahagi daw kasi ng paniniwala nila na nararapat simulan ang taon sa pagninilay-nilay sa mga nagawang mali at kung paano mabubuhay nang mas matuwid. Pero kahit noon pa ma'y kadalasang nananatili lamang itong listahan na kalauna'y naibabaon rin sa limot.
Wala namang masama sa kautuang tradisyong ito. Pero ngayong
malaki matanda na ako, ibinaon ko na rin sa limot ang kaugaliang ito. Isinama
ko na rin sa baul ng amnesia pati ang mga sumusunod:
- palagiang pagtalon sa eksaktong pagpapalit ng taon (para daw tumangkad pero palagay ko hindi naging epektib sa akin)
- paglalagay ng barya sa magkabilang bulsa at maging sa mga bintana’t pintuan (para daw laging may pera pero dapat siguro perang papel para mas mayaman)
- pagsasabit ng isang kumpol ng ubas sa pintuan (para daw pumasok ang swerte pero lagi ko itong nauubos bago pa sumapit ang alas-dose)
- pagkukumpleto ng labindalawang bilog na mga prutas sa hapag (swerte rin daw)
- pagkukumpleto ng imbak ng bigas, asin, toyo, patis, mantika, at kung anu-ano pa (para daw sagana ang suplay sa buong taon)
Di ko na rin matandaan kung kailan at paano nagsimula ang
tradisyon na ito sa aming pamilya. Basta ang alam ko’y kinalakhan kinatandaan
ko na ito.
Gaya ng sabi ko, wala naming masama sa paggawa nito lalo na
kung wala ka namang inaapakang ibang tao. Walang basagan ng trip ‘ika nga.
Pero hindi ba mas nararapat na ipaubaya na lang natin sa
Nasa Itaas ang lahat kalakip ng panalangin ng pasasalamat. Biruin mo nga naman,
madadagdan na naman ng isang taon ang pahina ng ating mga buhay.
Kung sa tingin mo ay wala namang magandang nangyari sa buhay
mo sa nagdaang taon, ganito ang gawin mo. Tumingin ka sa paligid mo at
pakaisipin ang mga biyayang patuloy na dumarating sa buhay mo.
Count your
blessings, sabi nga sa Ingles.
Imbes na gumawa ng listahan ng mga pangako na kadalasan
namang napapako, bakit di ka na lang gumawa ng listahan ng mga bagay na dapat
mong ipagpasalamat? Pustahan tayo Magugulat ka sa dami ng mga biyayang mayroon
ka pala kahit na iniisip mong wala ka. Magugulat ka din kapag nalaman mo kung
gaano ka pala kayaman at kaswerte kamahal ng Lumikha.
Mas magandang panimula ito ng taon, di ba?
happy happy new year :)
ReplyDeletePlaygroup Singapore