Saturday, January 14, 2012

TGIS

Thank God it's Sabado!

Hindi ang pamagat ng youth-oriented TV show na pinagbidahan nina Angelu de Leon at Bobby Andrews sa GMA-7 dati ang tinutukoy ko.

Thank God it’s Sabado! Iyan ang bukambibig ko tuwing araw ng Sabado.

Marahil ay ito ang araw na pinakapaborito ko sa buong linggo.

Bakit? Sa araw na ito lang kasi nagagawa ang gusto ko nang walang pumipigil sa akin – ang matulog nang matulog nang matulog.

Sabagay, pwede rin naman akong matulog nang matulog kahit anong araw. Wala namang pumipigil eh. Kaya lang ay maraming mahahalagang bagay na mas dapat unahin gaya ng pagbababad sa Facebook pagre-review para sa mga lessons, reports, recitation, quizzes at exam.

Sabi nga ng isang lumang joke, mas maganda pa rin daw na walang tulog kaysa naman sa walang gising. Kaya ayos lang na todo sa pagpupuyat kapag kinakailangan. Katwiran ko pa nga, di naman na ako paslit para kumpletuhin ang walong oras na tulog sa magdamag. Hirit pa ng isang corny na joke, mas mahaba na ang panahon sa pagtulog kapag patay na tayo.

Tama! Pero para sa akin, tuwing weekdays lang ang todong puyatan
.
Pagdating ng weekend, ini-spoil ko naman ang sarili ko sa tulog. Parang ito na ang reward ko sa pagsusunog ng kilay at pagsisipag sa buong linggo. Eh ano naman ba kung wala muna akong magawa sa maghapon. 

Kumbaga sa isang computer na gumana sa buong araw na pagtatrabaho ay kailangang ding i-shut down pansamantala. Baka kasi mag-hang na sa patuloy pa ding paggamit. Ganyan din ang turing ko sa sarili ko. Gumana sa buong linggo, shut down muna kapag Sabado.

Paano ba kasi ang takbo ng isang ordinaryong lingo para sa akin?

Lunes hanggang Huwebes, full-time student ako. Kailangang di magpabaya para huwag mawala sa Dean’s List. Iyan lang din kasi ang inaasahan ko para may discount sa tuition fee na pataas nang pataas bawat sem. May klase mula alas-dose ng tanghali (minsan ala-una y medya) hanggang alas-otso ng gabi.

Tuwing Biyernes naman, isa akong NSTP student facilitator. May klase sa buong umaga. Pero hindi na ako ang estudyante. Ako na ang humaharap sa mga estudyante bilang instructor.

Sa kasalukuyan, isa rin akong tutor ng Basic English para sa mga Koreano. At may klase kami sa umaga mula alas-diyes hanggang alas-dose. 

At kamakailan lamang, inalok ako ng aming college dean upang magtrabaho sa kanya bilang "assistant" (read: typist, encoder, at kung anu-ano pa siguro). Kaya nasa opisina niya ko tuwing vacant hours ko sa umaga.

Ang araw naman ng Linggo ay hindi akin. Nakareserba ito para sa church. Aattend ng church service sa alas-otso. Post-Encounter class (Bible study) naman kapag alas-diyes. Sa hapon, cell group naman (Bible study and sharing kasama ang mga kapwa kabataan).

Ganyan ka-hectic ang schedule ko kaya hindi ko naman masisi ang sarili ko na ‘tamarin’ kapag araw ng Sabado.

Ang araw na ito ang pagkakataon ko para magtamad-tamaran.

At dahil Sabado ngayon, natulog lang ako nang natulog.

Thank God it’s Sabado!

Ikaw, anong paboritong araw mo?

No comments:

Post a Comment

Blogger Widgets