Wat's dis?



What’s on your mind?

Iyan ang laging tanong ng aking paboritong libangan social networking site.

Iyan ang tanong na madalas ko rin namang sagutin lalo na kapag ako’y tinatamad mag-aral walang magawa at nakaharap lamang sa computer at nakikisagap ng libreng wi-fi.

Ang aking sagot kadalasan ay bitin. Kulang kasi sa espasyo.

Paano nga ba namang magkakasya ang laman ng isip mo sa ganoon kalimitadong espasyo?

Posible lamang ito kung talagang walang laman ang utak mo wala kang masabi.  Ngunit paano naman ang mga madaldal palaging maraming nais ikwento na kagaya ko?

Kaya heto, isinilang ang blog na binabasa mo ngayon…



Anong nasa kukote mo?

Iyan ang tanong na lagi kong sasagutin dito sa tuwing tinatamad ako mag-aral 
wala akong magawa. Kadalasan kasi ay sa mga panahong ganito 
(kapag inip na inip na inip ka), napipiga nang husto ang utak mo 
hanggang sa kahuli-hulihang patak nito. At kadalasan din na sa mga patak na ito mo mapupulot ang mga walang-silbing akala mo’y mga walang-silbing mga ideya na sa dulo’y magiging palpak kapaki-pakinabang rin naman.

Sa ganitong ideya nagsimula ang pagbuo sa blog na ito. 
Sa pagkakasibak pagkakaalis sa akin sa isang munting sideline tuwing araw ng Sabado ay sumulpot ang ideyang kinakailangan ko ng isang makabuluhang kahibangan libangan.

At dahil hindi naman ako isinilang na mahilig sa pagbabasa, 
hindi ko maaaring paglibangan ang mga makakapal na librong makita ko pa lamang ay awtomatikong nagpapahikab na sa akin. Natural naman sa akin ang magkuwento ng kung anu-ano tungkol sa kung anu-ano rin, kaya itong pagkukuwento pagsusulat ang napagdiskitahan ko.

At bakit naman dito ko sa blog napagtripang magkuwento magsulat 
at hindi sa mga tambayan sa kanto
Kasi minsan mas masarap magsulat kaysa magsalita. 
Sabi nga ng favorite author ko na si Edward Bob Ong sa kanyang librong 
Stainless Longganisa:

"Hari ka ng mundo habang nagsusulat. Pakiramdam mo may mga nagtitiyagang nakikinig sa mga sinasabi mo. Akala mo nakasalalay sa mga isinusulat mo ang ikot ng mga planeta."

At sa bawat pagbabahagi ko ng laman ng aking kukote, 
malamang na may mga babasag ng aking trip sasalungat sa aking pananaw. 
Naiintindihan ko naman ito. Pero sabi nga sa itaas, hari ka ng mundo habang nagsusulat. Kaya ako ang hari! (Siga ba?)


Ganyan din ang katwiran ko sa binanggit kong social networking site sa simula. 
Kapag sinasagot ko ang tanong na “What’s on your mind?” sa wall ko 
at may mga taong nakikialam nagre-react sa mga sentimyento ko, ang lagi kong sagot ay “What’s on my mind daw eh?! Sinagot ko lang, bakit apektado ka?”



Pero dito sa Bibong Pinoy, ayokong angkinin ang kaharian. 
Ayokong ako lang ang siga hari. Gusto ko sana ikaw din. (Pwede ring reyna.)
Maging malakas ang loob malaya ka sa pagsagot din sa tanong na
“Anong nasa kukote mo?” 
Malay mo, magkakatugma ang mga kuwento natin di ba?

Ano pang hinihintay natin? 
Pag-usapan na natin ang mga pananaw, opinyon, komento, suhestiyon at kahit na anong laman ng kukote ng isang nagpapanggap na BIBONG PINOY.

Welcome sa isang blog na maaari mong ituring na tambayan! 
Ito ang blog na pinag-isipan pinagplanuhan ng isang sem ilang buwan 
at binuo sa loob ng isang maghapon 
– ang BIBONG PINOY!

Halika, simulan na natin ang kuwentuhan… 




No comments:

Post a Comment

Blogger Widgets