Hindi lahat ng mambabasa ay
nabibigyan ng pagkakataon na makilala ang idolo nilang manunulat. Kung kaya’t
maswerte ako ngayong araw dahil sa pambihirang pagkakataong ito.
Itinuturing ko na aksidente ang
pagtatagpo naming iyon. At dahil hindi naman araw-araw ang ganitong pagtatagpo,
sinamantala ko na ito sa pamamagitan ng pagtatanong sa kaniya ng mga tanong na
kay tagal nang palaisipan sa akin.
Narito ang ilang bahagi ng aming
kuwentuhan pag-uusap…
Ako: Naging mabenta ang lahat ng
sinulat mong libro. Ngunit hanggang ngayon ay isang malaking misteryo ang iyong
pagkatao. Bakit ba tila nagtatago ka? Ayaw mo bang makilala ka ng iyong mga
tagahanga? O natatakot ka lang dumugin? Ah, alam ko na! Tinatamad kang pumirma
nang paulit-ulit sa mga libro na koleksiyon ng iyong mga tagahanga, tama ba?
Siya: (ngumisi) Parang ganoon na
nga.