Monday, January 2, 2012

Media Noche

Anong handa n'yo nooong isang gabi?

Sa handaang Pinoy, karaniwan na dito ang litson, chicken joy fried chicken, spaghetti, sopas, pansit, palabok, menudo, kaldereta, kare-kare, barbeque, hamon, leche flan, ice cream, buko/fruit salad, gelatin, at kung anu-ano pa. Subukan mo mag-check ng attendance nila tuwing Pasko at Bagong Taon at siguradong present ang karamihan sa kanila. Kapag sinuwerte ka pa, perfect attendance pa. Siguradong busog bundat ka!

Ganyan ang na-experience ko noong Pasko at Bagong Taon. Nabusog ako sa napakaraming pagkain. Pero hindi sa sariling bahay namin kundi sa mga bahay ng kamag-anak. Hindi kasi kami naghanda kung kaya't nagmistulang miyembro ako ng Sugod Bahay Gang ng isang sikat na noontime show. Sugod kung sugod. 


Sa gitna ng aking paglamon pagkain, ako'y nahulog sa balon ng pag-iisip...

Bakit palaging mga masasarap at mahal na pagkain ang handa kapag ganitong okasyon? Bihira ako makakita ng gulay at isda. Kung meron man, hindi naman din halos pinapansin.

Parang mas kuwela kung ganito ang maririnig mong payabangan usapan:

Pare 1: Wala kayo sa handa naming pinakbet!
Pare 2: Wala 'yan sa handa naming nilagang talong at buro!
Pare 3: Ang sosoyal n'yo pala eh! Kami, kaning lamig at pritong tuyo at itlog.

Bakit nga kaya? Ikaw, alam mo ba ang sagot?


At habang tumatakbo ang mga tanong na iyan sa isip kukote ko, ako'y napangiti dahil successful na naman ang naging strategy ko sa pag-iwas sa inuman. Kaya heto at ibabahagi ko sa inyo. Malay mo, magamit mo rin...


Tip #1: Tumabay lang sa kusina.
Tip #2: I-paktis ang mga linyang "Sige, susunod ako" at "Mamaya".
Tip #3: Para mas epektib ang pagtambay sa kusina, hawakan ang sandok.
Tip #4: Haluin ang niluluto (kahit ano pa man ito) tuwing may lalapit sa'yo at mag-aaya sa tagayan at sabihing "Sige, malapit na ko makaluto".
Tip #5: At para hindi magkatotoo ang huling sinabi mo, hinaan nang todo ang apoy upang mas tumagal pa ang pagluluto.


Subok ko na ang mga 'yan!


Sa apat na taon na pagce-celebrate ko ng New Year sa bahay ng aking beybi girlfriend ay palaging iyan ang ginagamit kong pag-iwas. (Sana po ay hindi ito nababasa ng kanyang mga kapatid para hindi ako mabisto...) Marunong naman ako uminom pero hindi 'yung tipong sagad-sagaran. Kaya iiwas at iiwas hangga't maaari. 


Naalala ko pa 'yung huli kong pakikipag-inuman sa kanila... Sa sobrang pagod at puyat sa sinundang gabi, madali akong nalasing. At bago ko pa namalayan, nakatulog na pala ako sa harapan ng inuman namin. Nakakahiya! 


Isa rin siguro 'yun sa mga dahilan kung bakit umiiwas na ako sa inuman doon...


Ikaw, ano ang kwentong Media Noche mo?



1 comment:

Blogger Widgets