Tuesday, January 17, 2012

Isyu ng Moralidad

Is it morally right for a teacher to have a relationship with one of his/her students?


Ito ang tanong na bumuhay sa aming katawang lupa kamakailan lang. Bilang mga future teachers, nahulog kami sa bangin ng malalim na pag-iisip.

Kanya-kanya ng opinyon syempre. Ganyan ang Pinoy eh. Hindi papayag na hindi marinig ang sariling panig.

Yes or No?

Sa una kong pagsagot, pumanig ako sa NO. Katwiran ko, bilang guro ay kailangan mong maging mabuting ehemplo sa pamayanan. At paano ka magiging mabuting halimbawa kung magkakaroon ng relasyon na sa tingin ng mga tao sa paligid mo ay imoral?

Pero bumalimbing napaisip rin ako. Ano nga ba ang pamantayan ng moralidad? Kaninong pamantayan ba ang dapat masunod? Ang mali para sa akin ay maaaring tama para sa ilan. At ang tama para sa akin ay maaaring mali para sa karamihan. Kaninong paningin ng tama at mali ang dapat masunod?


Ang isang guro ay isang tao rin naman – may sariling damdamin, may sariling paniniwala at may sariling buhay. Posible ba na maihiwalay ang sariling buhay na ito sa buhay niya bilang guro?

Palagay ko, oo. Kaya bumalimbing nagbago ang sagot ko.

YES, it is morally right to have a relationship with one of your students. Maaaring sa tingin ng karamihan ay kabaliwan ito. Hindi ako emo pero paano naman ang isang pusong nagmamahal lang naman?


Sa panig naman ng mga nagsabing hindi daw “morally right” ang pagkakaroon ng relasyon sa pagitan ng guro at estudyante niya. Heto ang ilan sa mga katwiran nila. Nakakapaghintay naman daw ang pagmamahal. Kung talagang mahal nila ang isa’t isa, bakit hindi na lang daw hintayin ni ma’am o sir na makagradweyt ang estudyanteng mahal niya? Sa ganitong paraan, mas maiiwasang magkaroon ng bias sa loob ng klase pati na rin ng eskandalong maaaring idulot nito. 


Gaya ng sabi ko, kaninong pamantayan ba ng moralidad ang dapat maging sukatan ng tama at mali? Paano kung sa paningin ng guro ay siya ang tama at ang mga tao sa paligid niya ang mali? Ngunit paano rin kung ang pamantayan pala ng tao sa paligid niya ang dapat na masunod?


Ayon sa Article VIII Section 7 ng Code of Ethics for Professional Teachers:


In a situation where mutual attraction and subsequent love develop between teacher and learner, the teacher shall exercise utmost professional discretion to avoid scandal, gossip and preferential treatment of the learner.

Malinaw namang hindi pinipigilan ng nasabing Code of Ethics ang pagkakaroon ng relasyon ng isang guro at ng kaniyang estudyante. Ngunit malinaw ding nakasaad na nararapat na gamitin ng guro ang kanyang "utmost professional discretion" - bagay na hindi nagagawa ng ilan kung kaya't posibleng pinagmumulan ng eskandalo.

Ikaw, saang panig ka?

1 comment:

Blogger Widgets